I know this post is so so late but well, this is just one fun experience, thus I'm blogging it. Sleeping over at a friend's place is not just exciting but comforting as well since you get the chance to tell stories to one another and just ignore the night 'till your eyes close. Glaiza and I woke up at 3:30 am for the simbang gabi while others, who weren't Catholics, continued their slumber. The two of us slept for only about one hour because we talked endlessly that night. Want to do this next Christmas season!!! : )
7.1.12
6.1.12
Patunayan sa Gawa na It's More Fun in the Philippines!
Ba't kaya masaya rito sa 'Pinas? Tanong ko ito sa aking sarili nang makita ko ang bagong slogan na "It's more fun in the Philippines" na inilunsad ng gobyerno para mapayaman ang turismo sa bansa. Simple pero may dating! Klaro nitong naipararating sa mundo ang gusto nitong ipahayag at samahan mo pa diyan ang makulay na mapa ng Pilipinas na hango ang disenyo sa banig.
It's more fun in the Philippines dahil malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang mga pamilya. At kahit hindi nila kamag-anak, binibigyan din nila ng pagmamahal at importansya.
It's more fun in the Philippines dahil kapag may mga bagyo o anumang unos na darating, nakamamangha ang bayanihang naipamamalas ng mga Pilipino.
It's more fun in the Philippines dahil may nakatago itong mga paraiso gaya ng mga magaganda at nakahuhulog-panga na mga baybayin.
It's more fun in the Philippines dahil kahit sa mga simpleng pagkain ay masaya na sila gaya ng tuyo, taho, isaw, kakanin, balut, kwek-kwek, at ang pandesal na inilalako ng mamang nakabisikleta tuwing umaga.
It's more fun in the Philippines dahil kahit anong hirap ng buhay ay nagagawa pa ring mailabas ng mga Pinoy ang mga malalambing at matatamis nilang mga ngiti.
It's more fun in the Philippines dahil alam mong kahit saan ka pumunta, kung mawawala ka man, mayroong dadamay sa iyo at tutulungan kang makarating sa gusto mong paroroonan.
Ito ang ilan lamang sa hindi ko mabilang na mga kasagutan sa tanong ko kani-kanina lamang. Batid kong mayroon pa ring ibang mga taong bumabatikos sa bagong slogan na ito ng Department of Tourism ngunit sa akin, swak na itong kampanya para mahikayat ang mundo na diskubrihin ang ating lupang sinilangan. Sana lamang ay mapatunayan nating mga Pinoy na tunay ang ipinapahiwatig ng kampanyang ito ukol sa atin - - na tayo'y maasikaso at maalagain sa mga bisita, hindi mahirap pakisamahan at siyempre, marunong tayong tumawa at magsaya. Higit sa lahat, ating pinapahalagahan ang sariling atin at pinoprotektahan ang angking likas na yaman ng ating bansa.
Action speaks louder than words, ika nga. Kung mapapatunayan ng kahit isang turista na totoo nga na "it's more fun in the Philippines", sa tingin ko hindi siya magdadalawang isip na hikayatin ang kanyang mga kababayan na danasin din ang kakaibang saya na kanilang mararamdaman sa piling ng ating mga mamamayan. Higit sa ano pa man, tayo ang hiyas ng ating bansa. Mabibigyan lamang natin ng hustisya ito hindi sa kung anong makukulay na salita, kung hindi, sa gawa.

30.12.11
Movie Review: The Last Song
If there’s a film that spoke of forgiveness and second
chances, “The Last Song” would be one of the top contenders. It was deeply
moving that it brought me to tears as the movie was about to finish.
There were two instances
in Veronica “Ronnie” Miller’s (Miley Cyrus) life that made her resolve her
conflict with her father Steve Miller (Greg Kinear): One was finding love in
the arms of an independent, popular young man named Will (Liam Hemsworth) and second was her discovery of her father
being critically ill. These events made Ronnie to open her heart once more to
music, the one thing she and her father passionately shared since she was
young. As a kid, she was a super
talented piano player but as her parents divorced, she formed a deep grudge and
hurt towards her father, completely forgetting her almost superior gift.
Similar to the other movie adaptations of Nicholas Sparks’
novels, “The Last Song”, directed by Julie Anne Robinson, was surely heart-warming
yet instilled with a tragedy that turned the story into a twist which would
meet its dramatic, tear-jerking conclusion. Yes, tears. I guess it is not
Nicolas Sparks if you have not experienced shedding some in the film’s
duration. Maybe, there was a hint of predictability since one may generalize that
the author’s stories are composed of dying major characters.
I guess Miley Cyrus did a good job in her acting here but I
cannot help but get distracted with her pouty lips that she was sporting throughout
the film. I don’t know if it was just part of her character’s appearance or if
it was just a natural thing. But of course, that didn’t bugged me. She was
effective in the portrayal of her role in which I was focused into.
I think the relationship between the daughter and father
could have been highlighted more. Maybe a little bit of flashback on their past
happy memories together would do. If I was exposed to their former closeness, I
could have been more affected in the later part where the two realized that
they only had a limited time left to be with each other. Aside from Miley, the
other actors were commendable in their acting.
The music was actually nice that I even downloaded some of
the film’s tracks. The shots were just right– not too complex to blow your head
away and not too plain that it would bore you, just perfect for a touching
story which would push you too reflect after the credits were shown. And yes, I
loved the set-up. There’s the cosy house facing the cool beach, the humungous aquatic
zoo, the romantic gazebo surrounded by a grassy lake, and many more. For those who have rocky relationships with
their families or significant others, this film might just be the right wake-up
call.
Gutom na Doggie
Gabi na ako nakaalis sa isang get together kasama ng aking mga kabarkada sa kolehiyo. Pagkatapos naming pinagsaluhan ang manok, back ribs, at tsaka ice cream sa isang mahaba at masayang kwentuhan ay nagsiuwian din kami.
Malapit nang mag alas onse at wala na ni isang traysikel ang pumapasada. Ayaw namang pakiusapan ng ibang drayber na ihatid ako sa aming bahay dahil iba raw ang kanilang rota. Kaya, heto ako, parang nanglilimos sa isang kanto sa madilim na gabi.
At ang kasama ko lamang ay ang isang asong tila gutom na gutom. Mabilis niyang hinahalukay ang basurahang wari'y ilulublob niya na ang kanyang buong katawan dito. Buong araw yatang hindi nakakain ang askal na ito. Kawawa naman siya. Saan kaya ang amo niya? Tingnan niyo na lang ang susunod na mga larawan.
Napaisip ako. Bilang tao, nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw ngunit ang askal na ito, tila nagsusumamong may matatagpuang pagkain na ipanlalaman sa tiyan. Ako nga na hindi madalas nalilipasan ng gutom ay nagrereklamo pa sa mundo kung ba't hindi ang "favorite" ko ang nasa hapag kainan, paano na lang ang ibang mga nilalang na kahit sa paglubog ng araw ay hanap-hanap pa rin ang ipangsisilid sa sikmura?
Maswerte ako. Dapat ko yan ipagpasalamat. Kung maririnig ko man ang sarili kong nagrereklamo dahil hindi ko paborito ang ulam na nakahanda, dapat ko lang tandaan agad ang mga nagugutom tulad ng askal na ito na halos ilublob na ang sarili sa basurahan para lang maituwid ang gutom.
Malapit nang mag alas onse at wala na ni isang traysikel ang pumapasada. Ayaw namang pakiusapan ng ibang drayber na ihatid ako sa aming bahay dahil iba raw ang kanilang rota. Kaya, heto ako, parang nanglilimos sa isang kanto sa madilim na gabi.
At ang kasama ko lamang ay ang isang asong tila gutom na gutom. Mabilis niyang hinahalukay ang basurahang wari'y ilulublob niya na ang kanyang buong katawan dito. Buong araw yatang hindi nakakain ang askal na ito. Kawawa naman siya. Saan kaya ang amo niya? Tingnan niyo na lang ang susunod na mga larawan.
Maswerte ako. Dapat ko yan ipagpasalamat. Kung maririnig ko man ang sarili kong nagrereklamo dahil hindi ko paborito ang ulam na nakahanda, dapat ko lang tandaan agad ang mga nagugutom tulad ng askal na ito na halos ilublob na ang sarili sa basurahan para lang maituwid ang gutom.
21.12.11
New Year's Eve Movie
I have lots of giggles as well as tears as I watched the movie, New Year's Eve, which was directed by Garry Marshall, who was also the man behind the film, Valentine's Day.
I was touched with how Claire Morgan (Hilary Swank) quitted her stressful job as the vice president of the Times Square Alliance, rushing to the hospital to be with his dying father whose wish was to see the ball drop one last time.
Akin to the latter, New Year's Eve followed the same formula on how the plot evolved with all its individual characters being interconnected with one another in the film's conclusion. Since it was participated with several actors, the story didn't have the luxury to focus on character development. However, I believe that the film pulled enough effort to add substance to each cast so as not to bore audience with their personalities. What's important was that it delivered effectively its message to the viewers about the meaning of New Year- reconciliation, love, and positivity.
I was also impressed by how delivery man Paul (Zac Efron) granted
the wish list of Ahern Records secretary Ingrid (Michelle Pfieffer) who had just quitted her job after being denied
with a vacation by her boss. One of her wishes was to visit Bali, Indonesia. Though
seemed impossible, Paul fulfilled it by treating her into a nearby spa with a
Bali-like ambience. Ingrid was so overwhelmed
as she experienced each of her goal came into reality before the new year.
I also loved the part where expectant parents Griffin (Seth
Meyers) and Tess (Jessica Biel) competed
with another couple, James (Til
Schweiger) and her
pregnant wife Grace (Sarah Paulson),
for a bonus to be awarded by the hospital for the family of the first child
born in new year. Though Tess had the baby out first, Griffin decided to just
offer the prize to James and Grace whom he discovered had three kids. And that’s the spirit of new year – selfless giving!
Teenagers were
also well represented in this movie. Kim’s (Sarah Jessica Parker) teenage
daughter Hailey (Abigail Breslin) wanted to spend her new year at the Times
Square with her clique and boyfriend Seth (Jake T. Austin). Kim won’t allow
this because she was afraid of losing her child after fighting hard to get her
custody from her ex-husband. However, this treatment was bottling up Hailey who
decided to oppose her mom and went straight to Times Square where she
surprisingly spotted Austin being kissed by a girl. Hurt, Hailey turned back
and saw her mom whom she tightly hugged thereafter. This scene was a simple tearjerker.
All in all, I
can say that the movie is inspiring and timely. Christmas and New Year are
seasons that remind us to love and forgive - - a time to start anew and value
the relationships we share with others. Indeed, the most important gift that we
can ever receive aren’t the material things but the joy of letting others feel
how much we care for them. This film tells us to put aside all our anger, hurt,
and despair, instead, nurture in us the effort to make others happy. And yes,
it is never too late. The power to spread our love across the universe is within
our hands. Let us not allow our pride to suck out the peace in our hearts. No
amount of power, riches, or fame can be paralleled to a peaceful soul and
heart. This wonderful message has been effectively delivered and etched by this
film towards its audience.
16.12.11
Movie Review: The Art Of Getting By
Ang mga
kabataan, lalung-lalo na yung mga teeneydyer, ay dumadaan sa punto ng buhay
kung saan mas nangangailangan sila ng pag-unawa, pag-gabay, at suporta mula sa
kanilang mga magulang at sa iba pang mas nakatatanda. Ito na siguro ang
kritikal na pinagdadaanan ni George Zinavoy (dinadala ni Freddie Highmore) ,
ang pangunahing tauhan sa pelikulang “The Art of Getting By”.
Dahil sa mga
problemang kinakaharap ni George, gaya ng kawalan ng atensyon ng ina nito sa
kanya at ang pagmamaliit sa kanya ng kanyang ama-amahan, naging mabigat at
hindi mabuti ang epekto nito sa kanyang pagkatao. Ito’y naging hadlang sa
kanyang pag-aaral at pakikisalamuha sa iba.
Para kay
George, lahat naman daw ng tao ay nabubuhay ng mag-isa at namamatay din ng
mag-isa. Tayo raw ay nabubuhay sa isa lamang ilusyon. Ba’t pa raw siya magtitiyaga at
magpapakahirap kung alam niyang lahat tayo ay pareho lang naman ang
kahihinatnan? Ito ay ipinahayag ng kanyang karakter sa pagbukas ng naturang
pelikula. Dahil sa paniniwala niyang ito, makailang ulit na siyang pinapunta sa
opisina ng principal. Ang masaklap pa, sisibakin siya kapag hindi niya naipasa
ang lahat ng kanyang mga requirements na lubhang lampas na sa deadline.
Mapag-isa at
malalim mag-isip si George. Mabuti na lang at nakahanap siya ng kaibigan sa
katauhan ni Sally Howe (dinadala ni Emma Roberts). Umusbong ito sa komplikadong
pagmamahalan na dala rin mismo ng kabataan.
May mga isyung personal din si Sally na maaaring nagmula sa paghihiwalay niya sa
kanyang ama noong musmos pa lamang siya. Siguro’y kanyang pinupuno ang kulang
sa kanyang katauhan sa piling ni George.
Sa
sitwasyong kinahaharap ng mga teeneydyer na mga ito, napagtanto ko na
kinakailangan ng mga kabataang ito na maimulat sa mga katotohanan sa buhay at
tulungan sila kung paano harapin ito. May mga problema o “stressor” na lubos na
mabigat sa kanilang kakayahan, datapwat, importante na sila’y pakinggan,
pagtuunan ng pansin, at tulungan sila sa mga bagay-bagay na gumugulo sa
kanilang isipan. Dapat din silang tulungan pagyamanin ang kanilang mga talento
at huwag maliitin ang kanilang mga mithiin sa buhay, maliit man o malaki.
Kaparis ni
George, ang pagpansin ng kanyang ina sa kakayahan niyang magpinta at ang
paglaan nito ng oras sa anak kahit sa simpleng kwentuhan man lang ay siyang
naging motibasyon ng bida upang tapusin ang kanyang mga requirements sa
paaralan upang siya’y makatapos ng sekondarya.
Simple lang
ang sinematograpiya ng pelikula dahil wala naman itong halong kaartehan.
Gayunpaman, makawiwili itong tingnan at nakukuha ng kamera ang mensaheng
sinisikap na ipahayag ng kwento. Ang bawat karakter ay may sariling mga isyu.
Hindi lamang idiniin lahat ang enerhiya sa bida sapagkat maaantig ka rin sa mga
istorya ng iba pang mga tauhan. Natural ang kanilang pag-arte. Ang daloy ng
kwento ay payak ngunit tagos sa puso sapagkat naglalarawan ito sa realidad ng
buhay lalung-lalo na sa mga kabataan.
Ang “The Art
of Getting By” ay isa na namang nakaka-inspire na pelikulang nag-uudyok sa atin
na huwag magpadaig sa mga problema, sa halip, patuloy lang nating mahalin ang ating
mga kapwa habang inaabot ang ating mga pangarap.
10.12.11
Old Spice Deodorant
Sa mga pabangong panlalaki, gusto ko ang amoy na hindi masyadong mabagsik at malakas. Gusto ko ang bangong bagay lang saan mang okasyon ka pumunta.
Sa deodorant, ganoon din. Nais ko ang bangong "chill" lang pero alam mong tatagal kahit anumang oras kang pagpapawisan.
Ito ang nahanap ko sa "Old Spice" High Endurance deodorant. Hindi na ako mamomroblema kapag naubusan ako ng perfume o cologne dahil ang amoy nito ay maaari ng mahalintulad sa anumang pabango na type ko - - hindi kalakas pero hindi rin masasabi na ito'y pambabae.
Sa likod nito, may nakalagay na: Contains Odor-Fighting "Atomic Robots" that "Shoot Lasers" at your "Stench Monsters" and replaces them with fresh, clean, masculine "scent leaves". Astig talaga! Salamat sa tita ko abroad na nagpadala nito.
Sa deodorant, ganoon din. Nais ko ang bangong "chill" lang pero alam mong tatagal kahit anumang oras kang pagpapawisan.
Sa likod nito, may nakalagay na: Contains Odor-Fighting "Atomic Robots" that "Shoot Lasers" at your "Stench Monsters" and replaces them with fresh, clean, masculine "scent leaves". Astig talaga! Salamat sa tita ko abroad na nagpadala nito.
By The River Piedra I Sat Down and Wept by Paulo Coelho
Kung nais mo ng libro na makapagdadala sa iyo sa lugar kung
saan ang pananampalataya at ang mga personal na mga pangarap ay tila umuugnay,
ang nobelang “By The River Piedra I Sat Down and Wept” ni Paulo Coelho ang
masasabi kong swak na maaaring basahin.
Lahat tayo ay may mga indibidwal na mga suliranin at minsan,
ang kalaban natin ay hindi ang ibang tao kundi mismo ang mga sarili natin. Wala
tayong lakas na loob na abutin ang ating mga pangarap dahil natatakot tayo sa
maaaring mangyari sa atin na wala rin namang kasiguraduhan. At minsan, ang pananampalataya
na lang natin sa Maykapal ang siyang tangi nating lakas upang ipagpatuloy ang
tila ‘di maabot-abot na mga pangarap. Ito na siguro ang leksyon na nakuha ko sa
napakatalinghagang librong ito - - na bawat tao ay ipinagkalooban ng Maykapal
ng pangarap at ang pag-abot nito ay hindi ganoon kadali. Maaaring maraming
balakid at hirap ang kanyang mararanasan bago makamit ito.
Makabuluhan ang librong ito lalung-lalo na sa panahon ngayon
kung saan tila ang pananampalataya na lamang natin ang ating pinanghahawakan
kapag may unos na daraan. Naging angkop ang panahon noong binasa ko ang
nobelang ito dahil pista yaon ng Our Lady of Concepcion. Sa libro, ang
magsing-irog ay gumunita rin sa kapistahang ito kung saan sila ay lumahok sa
isang kakaiba at katangi-tanging espiritwal na karanasan.
Siguro, marami tayo ang tulad ni Pilar, ang pangunahing
tauhan na babae na siya ring nagsasalaysay sa libro. Kagaya niya, may mga
inaasam tayo sa buhay na matagal na nating ipinapanalangin ngunit hindi natin
makuha-kuha dahil nakatali pa rin tayo sa kung ano ang sa tingin natin na rasonable,
praktikal, at hindi katakot-takot. Nang matagpuan niya ang kanyang kababata sa
Madrid matapos ang labing-isang taon, naibalik muli sa kanya ang kanyang
paniniwala sa Itaas. Natutunan niya ang muling magmahal at mangarap. Nais
niyang samahan ang binata sa mga kabanalang ginagawa nang huli gaya ng
pagpapagaling ng may sakit.
O maaari ring pareho tayo sa lalaking sinisinta ni Pilar.
Naging kakampi at kaakibay niya ang kanyang pananampalataya sa paghanap ng
totoong pinapangarap ng kanyang puso – at iyon ay ang makapiling habambuhay ang
dalagang matagal nang tinitibok ng kanyang puso, si Pilar. Ibinalik ng lalaki
sa Maykapal ang regalong ipinagkaloob sa kanya, at alam niyang naintindihan ito
ng Birheng Maria.
Sa kwentong ito ni Coelho, naimulat ako sa mundo ng dalawang
nagmamahalan na sinikap maabot ang kanilang daing sa langit kahit pa ang
pag-aasam nito ang siya ring makapagdudulot ng pagbabago sa kanilang
pag-iibigan.
Simple at direkta ang mga salitang ginamit ni Coelho ngunit
sa likod ng kanyang payak na pagsasalaysay ay nakatago ang mga malalalim na mga
kahulugan na magpapahinto sa iyo upang makapag-isip-isip. May mga kaganapan na
hindi niya agarang ipinresenta upang iwanan ang mambabasa ng kaunting
pagninilay-nilay sa maaari pang mangyari. Gayunpaman, tila naisama ka rin ng
manunulat sa mga paglalakbay na ginawa ng magkasintahan sa istorya – mula sa
mga siyudad sa Espanya papunta sa bundok na tumutungo sa Pranse.
Sa huli, aking napagtanto na nararapat lamang na isuko ko
ang aking mga daing, problema, at mga pangarap sa Diyos at alam ko hindi niya
ako pababayaan. Siyempre, patuloy pa rin nating abutin ang ating mga mithiin
basta’t alam nating marangal ito at nakapagbibigay ligaya sa atin at sa ibang
tao.
Subscribe to:
Posts (Atom)