Gabi na ako nakaalis sa isang get together kasama ng aking mga kabarkada sa kolehiyo. Pagkatapos naming pinagsaluhan ang manok, back ribs, at tsaka ice cream sa isang mahaba at masayang kwentuhan ay nagsiuwian din kami.
Malapit nang mag alas onse at wala na ni isang traysikel ang pumapasada. Ayaw namang pakiusapan ng ibang drayber na ihatid ako sa aming bahay dahil iba raw ang kanilang rota. Kaya, heto ako, parang nanglilimos sa isang kanto sa madilim na gabi.
At ang kasama ko lamang ay ang isang asong tila gutom na gutom. Mabilis niyang hinahalukay ang basurahang wari'y ilulublob niya na ang kanyang buong katawan dito. Buong araw yatang hindi nakakain ang askal na ito. Kawawa naman siya. Saan kaya ang amo niya? Tingnan niyo na lang ang susunod na mga larawan.
Napaisip ako. Bilang tao, nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw ngunit ang askal na ito, tila nagsusumamong may matatagpuang pagkain na ipanlalaman sa tiyan. Ako nga na hindi madalas nalilipasan ng gutom ay nagrereklamo pa sa mundo kung ba't hindi ang "favorite" ko ang nasa hapag kainan, paano na lang ang ibang mga nilalang na kahit sa paglubog ng araw ay hanap-hanap pa rin ang ipangsisilid sa sikmura?
Maswerte ako. Dapat ko yan ipagpasalamat. Kung maririnig ko man ang sarili kong nagrereklamo dahil hindi ko paborito ang ulam na nakahanda, dapat ko lang tandaan agad ang mga nagugutom tulad ng askal na ito na halos ilublob na ang sarili sa basurahan para lang maituwid ang gutom.
Malapit nang mag alas onse at wala na ni isang traysikel ang pumapasada. Ayaw namang pakiusapan ng ibang drayber na ihatid ako sa aming bahay dahil iba raw ang kanilang rota. Kaya, heto ako, parang nanglilimos sa isang kanto sa madilim na gabi.
At ang kasama ko lamang ay ang isang asong tila gutom na gutom. Mabilis niyang hinahalukay ang basurahang wari'y ilulublob niya na ang kanyang buong katawan dito. Buong araw yatang hindi nakakain ang askal na ito. Kawawa naman siya. Saan kaya ang amo niya? Tingnan niyo na lang ang susunod na mga larawan.
Maswerte ako. Dapat ko yan ipagpasalamat. Kung maririnig ko man ang sarili kong nagrereklamo dahil hindi ko paborito ang ulam na nakahanda, dapat ko lang tandaan agad ang mga nagugutom tulad ng askal na ito na halos ilublob na ang sarili sa basurahan para lang maituwid ang gutom.
No comments:
Post a Comment