30.12.11

Gutom na Doggie

          Gabi na ako nakaalis sa isang get together kasama ng aking mga kabarkada sa kolehiyo. Pagkatapos naming pinagsaluhan ang manok, back ribs, at tsaka ice cream sa isang mahaba at masayang kwentuhan ay nagsiuwian din kami.
          Malapit nang mag alas onse at wala na ni isang traysikel ang pumapasada. Ayaw namang pakiusapan ng ibang drayber na ihatid ako sa aming bahay dahil iba raw ang kanilang rota. Kaya, heto ako, parang nanglilimos sa isang kanto sa madilim na gabi.
          At ang kasama ko lamang ay ang isang asong tila gutom na gutom. Mabilis niyang hinahalukay ang basurahang wari'y ilulublob niya na ang kanyang buong katawan dito. Buong araw yatang hindi nakakain ang askal na ito. Kawawa naman siya. Saan kaya ang amo niya? Tingnan niyo na lang ang susunod na mga larawan.


          Napaisip ako. Bilang tao, nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw ngunit ang askal na ito, tila nagsusumamong may matatagpuang pagkain na ipanlalaman sa tiyan. Ako nga na hindi madalas nalilipasan ng gutom ay nagrereklamo pa sa mundo kung ba't hindi ang "favorite" ko ang nasa hapag kainan, paano na lang ang ibang mga nilalang na kahit sa paglubog ng araw ay hanap-hanap pa rin ang ipangsisilid sa sikmura?
          Maswerte ako. Dapat ko yan ipagpasalamat. Kung maririnig ko man ang sarili kong nagrereklamo dahil hindi ko paborito ang ulam na nakahanda, dapat ko lang tandaan agad ang mga nagugutom tulad ng askal na ito na halos ilublob na ang sarili sa basurahan para lang maituwid ang gutom.

21.12.11

New Year's Eve Movie

          I have lots of giggles as well as tears as I watched the movie, New Year's Eve, which was directed by Garry Marshall, who was also the man behind the film, Valentine's Day. 
          Akin to the latter, New Year's Eve followed the same formula on how the plot evolved with all its individual characters being interconnected with one another in the film's conclusion. Since it was participated with several actors, the story didn't have the luxury to focus on character development. However, I believe that the film pulled enough effort to add substance to each cast so as not to bore audience with their personalities. What's important was that it delivered effectively its message to the viewers about the meaning of New Year- reconciliation, love, and positivity.  
          I was touched with how Claire Morgan (Hilary Swank) quitted her stressful job as the vice president of the Times Square Alliance, rushing to the hospital to be with his dying father whose wish was to see the ball drop one last time.
          I was also impressed by how delivery man Paul (Zac Efron) granted the wish list of Ahern Records secretary Ingrid (Michelle Pfieffer) who  had just quitted her job after being denied with a vacation by her boss. One of her wishes was to visit Bali, Indonesia. Though seemed impossible, Paul fulfilled it by treating her into a nearby spa with a Bali-like ambience.  Ingrid was so overwhelmed as she experienced each of her goal came into reality before the new year.
          I also loved the part where expectant parents Griffin (Seth Meyers) and Tess (Jessica Biel)  competed with another couple, James (Til Schweiger) and her pregnant wife Grace (Sarah Paulson), for a bonus to be awarded by the hospital for the family of the first child born in new year. Though Tess had the baby out first, Griffin decided to just offer the prize to James and Grace whom he discovered had three kids.  And that’s the spirit of new year – selfless giving!
          Teenagers were also well represented in this movie. Kim’s (Sarah Jessica Parker) teenage daughter Hailey (Abigail Breslin) wanted to spend her new year at the Times Square with her clique and boyfriend Seth (Jake T. Austin). Kim won’t allow this because she was afraid of losing her child after fighting hard to get her custody from her ex-husband. However, this treatment was bottling up Hailey who decided to oppose her mom and went straight to Times Square where she surprisingly spotted Austin being kissed by a girl. Hurt, Hailey turned back and saw her mom whom she tightly hugged  thereafter. This scene was a simple tearjerker.
          All in all, I can say that the movie is inspiring and timely. Christmas and New Year are seasons that remind us to love and forgive - - a time to start anew and value the relationships we share with others. Indeed, the most important gift that we can ever receive aren’t the material things but the joy of letting others feel how much we care for them. This film tells us to put aside all our anger, hurt, and despair, instead, nurture in us the effort to make others happy. And yes, it is never too late. The power to spread our love across the universe is within our hands. Let us not allow our pride to suck out the peace in our hearts. No amount of power, riches, or fame can be paralleled to a peaceful soul and heart. This wonderful message has been effectively delivered and etched by this film towards its audience.

16.12.11

Movie Review: The Art Of Getting By

         Ang mga kabataan, lalung-lalo na yung mga teeneydyer, ay dumadaan sa punto ng buhay kung saan mas nangangailangan sila ng pag-unawa, pag-gabay, at suporta mula sa kanilang mga magulang at sa iba pang mas nakatatanda. Ito na siguro ang kritikal na pinagdadaanan ni George Zinavoy (dinadala ni Freddie Highmore) , ang pangunahing tauhan sa pelikulang “The Art of Getting By”.
          Dahil sa mga problemang kinakaharap ni George, gaya ng kawalan ng atensyon ng ina nito sa kanya at ang pagmamaliit sa kanya ng kanyang ama-amahan, naging mabigat at hindi mabuti ang epekto nito sa kanyang pagkatao. Ito’y naging hadlang sa kanyang pag-aaral at pakikisalamuha sa iba.
          Para kay George, lahat naman daw ng tao ay nabubuhay ng mag-isa at namamatay din ng mag-isa. Tayo raw ay nabubuhay sa isa lamang  ilusyon. Ba’t pa raw siya magtitiyaga at magpapakahirap kung alam niyang lahat tayo ay pareho lang naman ang kahihinatnan? Ito ay ipinahayag ng kanyang karakter sa pagbukas ng naturang pelikula. Dahil sa paniniwala niyang ito, makailang ulit na siyang pinapunta sa opisina ng principal. Ang masaklap pa, sisibakin siya kapag hindi niya naipasa ang lahat ng kanyang mga requirements na lubhang lampas na sa deadline.
          Mapag-isa at malalim mag-isip si George. Mabuti na lang at nakahanap siya ng kaibigan sa katauhan ni Sally Howe (dinadala ni Emma Roberts). Umusbong ito sa komplikadong pagmamahalan na dala rin mismo ng kabataan.  May mga isyung personal din si Sally  na maaaring nagmula sa paghihiwalay niya sa kanyang ama noong musmos pa lamang siya. Siguro’y kanyang pinupuno ang kulang sa kanyang katauhan sa piling ni George.
          Sa sitwasyong kinahaharap ng mga teeneydyer na mga ito, napagtanto ko na kinakailangan ng mga kabataang ito na maimulat sa mga katotohanan sa buhay at tulungan sila kung paano harapin ito. May mga problema o “stressor” na lubos na mabigat sa kanilang kakayahan, datapwat, importante na sila’y pakinggan, pagtuunan ng pansin, at tulungan sila sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kanilang isipan. Dapat din silang tulungan pagyamanin ang kanilang mga talento at huwag maliitin ang kanilang mga mithiin sa buhay, maliit man o malaki.
          Kaparis ni George, ang pagpansin ng kanyang ina sa kakayahan niyang magpinta at ang paglaan nito ng oras sa anak kahit sa simpleng kwentuhan man lang ay siyang naging motibasyon ng bida upang tapusin ang kanyang mga requirements sa paaralan upang siya’y makatapos ng sekondarya.
          Simple lang ang sinematograpiya ng pelikula dahil wala naman itong halong kaartehan. Gayunpaman, makawiwili itong tingnan at nakukuha ng kamera ang mensaheng sinisikap na ipahayag ng kwento. Ang bawat karakter ay may sariling mga isyu. Hindi lamang idiniin lahat ang enerhiya sa bida sapagkat maaantig ka rin sa mga istorya ng iba pang mga tauhan. Natural ang kanilang pag-arte. Ang daloy ng kwento ay payak ngunit tagos sa puso sapagkat naglalarawan ito sa realidad ng buhay lalung-lalo na sa mga kabataan.
          Ang “The Art of Getting By” ay isa na namang nakaka-inspire na pelikulang nag-uudyok sa atin na huwag magpadaig sa mga problema, sa halip, patuloy lang nating mahalin ang ating mga kapwa habang inaabot ang ating mga pangarap.

10.12.11

Old Spice Deodorant

          Sa mga pabangong panlalaki, gusto ko ang amoy na hindi masyadong mabagsik at malakas. Gusto ko ang bangong bagay lang saan mang okasyon ka pumunta.
          Sa deodorant, ganoon din. Nais ko ang bangong "chill" lang pero alam mong tatagal kahit anumang oras kang pagpapawisan.
          Ito ang nahanap ko sa "Old Spice" High Endurance deodorant. Hindi na ako mamomroblema kapag naubusan ako ng perfume o cologne dahil ang amoy nito ay maaari ng mahalintulad sa anumang pabango na type ko - - hindi kalakas pero hindi rin masasabi na ito'y pambabae.
          Sa likod nito, may nakalagay na: Contains Odor-Fighting "Atomic Robots" that "Shoot Lasers" at your "Stench Monsters" and replaces them with fresh, clean, masculine "scent leaves". Astig talaga! Salamat sa tita ko abroad na nagpadala nito. 

By The River Piedra I Sat Down and Wept by Paulo Coelho


          Kung nais mo ng libro na makapagdadala sa iyo sa lugar kung saan ang pananampalataya at ang mga personal na mga pangarap ay tila umuugnay, ang nobelang “By The River Piedra I Sat Down and Wept” ni Paulo Coelho ang masasabi kong swak na maaaring basahin.
          Lahat tayo ay may mga indibidwal na mga suliranin at minsan, ang kalaban natin ay hindi ang ibang tao kundi mismo ang mga sarili natin. Wala tayong lakas na loob na abutin ang ating mga pangarap dahil natatakot tayo sa maaaring mangyari sa atin na wala rin namang kasiguraduhan. At minsan, ang pananampalataya na lang natin sa Maykapal ang siyang tangi nating lakas upang ipagpatuloy ang tila ‘di maabot-abot na mga pangarap. Ito na siguro ang leksyon na nakuha ko sa napakatalinghagang librong ito - - na bawat tao ay ipinagkalooban ng Maykapal ng pangarap at ang pag-abot nito ay hindi ganoon kadali. Maaaring maraming balakid at hirap ang kanyang mararanasan bago makamit ito.
          Makabuluhan ang librong ito lalung-lalo na sa panahon ngayon kung saan tila ang pananampalataya na lamang natin ang ating pinanghahawakan kapag may unos na daraan. Naging angkop ang panahon noong binasa ko ang nobelang ito dahil pista yaon ng Our Lady of Concepcion. Sa libro, ang magsing-irog ay gumunita rin sa kapistahang ito kung saan sila ay lumahok sa isang kakaiba at katangi-tanging espiritwal na karanasan.
          Siguro, marami tayo ang tulad ni Pilar, ang pangunahing tauhan na babae na siya ring nagsasalaysay sa libro. Kagaya niya, may mga inaasam tayo sa buhay na matagal na nating ipinapanalangin ngunit hindi natin makuha-kuha dahil nakatali pa rin tayo sa kung ano ang sa tingin natin na rasonable, praktikal, at hindi katakot-takot. Nang matagpuan niya ang kanyang kababata sa Madrid matapos ang labing-isang taon, naibalik muli sa kanya ang kanyang paniniwala sa Itaas. Natutunan niya ang muling magmahal at mangarap. Nais niyang samahan ang binata sa mga kabanalang ginagawa nang huli gaya ng pagpapagaling ng may sakit.
          O maaari ring pareho tayo sa lalaking sinisinta ni Pilar. Naging kakampi at kaakibay niya ang kanyang pananampalataya sa paghanap ng totoong pinapangarap ng kanyang puso – at iyon ay ang makapiling habambuhay ang dalagang matagal nang tinitibok ng kanyang puso, si Pilar. Ibinalik ng lalaki sa Maykapal ang regalong ipinagkaloob sa kanya, at alam niyang naintindihan ito ng Birheng Maria.
          Sa kwentong ito ni Coelho, naimulat ako sa mundo ng dalawang nagmamahalan na sinikap maabot ang kanilang daing sa langit kahit pa ang pag-aasam nito ang siya ring makapagdudulot ng pagbabago sa kanilang pag-iibigan.
          Simple at direkta ang mga salitang ginamit ni Coelho ngunit sa likod ng kanyang payak na pagsasalaysay ay nakatago ang mga malalalim na mga kahulugan na magpapahinto sa iyo upang makapag-isip-isip. May mga kaganapan na hindi niya agarang ipinresenta upang iwanan ang mambabasa ng kaunting pagninilay-nilay sa maaari pang mangyari. Gayunpaman, tila naisama ka rin ng manunulat sa mga paglalakbay na ginawa ng magkasintahan sa istorya – mula sa mga siyudad sa Espanya papunta sa bundok na tumutungo sa Pranse.
          Sa huli, aking napagtanto na nararapat lamang na isuko ko ang aking mga daing, problema, at mga pangarap sa Diyos at alam ko hindi niya ako pababayaan. Siyempre, patuloy pa rin nating abutin ang ating mga mithiin basta’t alam nating marangal ito at nakapagbibigay ligaya sa atin at sa ibang tao.

26.11.11

Ang Paglalakbay sa Sand Bar Island Beach Resort, Concepcion Iloilo

Mapayapang paligid. Malinaw na baybayin. Preskong hangin. Luntiang bukirin. Puting buhangin. Kahit sa isang araw lamang ay naramdaman ko ang lahat ng mga ito. Totoo nga ang sabi ng kaibigan kong nag imbita sa aking bumiyahe sa lugar na ito- malaparaiso at nakabibighani. Ngayon, malakas na ang aking paniniwala na ang mga natural na likas na yaman, kapag hindi ginagambala at inaabuso, ay tila diyamante na hindi matutumbasan ng kahit anumang pag usbong ng teknolohiya and industriyalismo.
          “Pupunta tayo ng Sand Bar. Sumama ka na!” ani ng kaibigan kong sabik na tumuloy ako kasama ng dalawa niya pang mga ka-berks para raw menos gastos. Napaisip ako. Anu ba naman ang isang araw na masilayan ang sinasabi niyang marikit na resort na sa Concepcion, Iloilo lang pala matatagpuan? Dahil napa-oo niya ang dalawa pa naming mga malalapit na kaibigan mula kolehiyo ay hindi rin ako nakatanggi.

Tanawing Napapa-wow Ako Habang Nasa Bus

Sa Andoks Restaurant, Tagbak Terminal Branch kami naghintayan. Alas nuwebe ng umaga. Ako yata ang naunang dumating. Habang inaabangan ko ang iba ko pang mga kasama ay bumili na lang muna ako ng Dokito Frito fried chicken. Sabi kasi ng aming kumbaga “organizer” ay magdadala na agad kami ng aming panghapunan upang pagdating sa destinasyon ay deretso chibog na lang kami at ‘di na magluluto pa.
Nang kumpleto na kaming walo, ay sabik na kaming umakyat sa bus na aming sasakyan. Gustong-gusto ko talaga ang sumakay sa bus kasi parang feeling ko nakalipad ako sa hangin kahit ilang metro lang mula sa lupa. Nakakaaliw lang tingnan ang mga dyip at kotse na wari’y nagiging maliit sa aking paningin. Sa pamasaheng Php110, mahigit tatlong oras ang biyahe papuntang Concepcion. Paminsan-minsan, humihinto ito sa kalagitnaan ng rota para magpasakay ng iba pang mga pasahero. Sa bawat pagtigil nito ang siya namang pagdatingan ng mga nagbebenta ng maaring nguyain. Nakagugutom din ang umupo lang ng ilang oras kaya’t hindi na ako nag alintana pang bumili ng mga paborito kong pampalipas gutom. Ninamnam ko ang itlog ng pugo, bibingka, at ang paborito ko sa lahat, ang Esguerra’s Buko Pie na tiyak mapapa-wow ka sa laman nitong siksik sa buko.

Ang Esguerra's buko pie ay sinlaki lang ng aking kamao pero siksik sa buko.
Habang nasa bus ay ‘di ko maiwasan mamangha sa nakaka-relax na kapaligirang tatambad sa iyong mga mata. Bago kami makarating sa Concepcion ay dinaanan pa namin ang mga munisipalidad ng Zarraga, Barotac Nuevo, Barotac Viejo, Ajuy, Balasan, at iba pa na nalimutan ko na ang pangalan ngunit nanatili pa rin sa aking isipan ang mga malalapad na palayan, mga bukiring busog ng mga puno, at mga burol na parang pinag-shootingan ng mga Teletubbies. Masaya ako dahil nabuksan ang aking mga mata’t isipan sa dako nito ng Iloilo na talagang maipagmamalaki. Hindi pa man ako nakararating sa Sand Bar Beach Resort ay busog na busog na ako sa mga nakahuhulog panga na mga tanawin.

Ang Paghanap ng Ipanlalaman sa Sikmura

                Sa wakas at naiapak din namin ang aming mga nangingilong mga paa sa Munisipalidad ng Concepcion. Bumaba kami sa bandang pagawaan ng mga maririkit na mga muwebles at mula rito ay natanaw namin ang mga binatang naglalaro ng basketbol sa kanilang covered gym at mga taong namamasyal sa plaza. Sa gitna ng tagiktik na init ay dumiretso muna kami sa Tourism Office na siyang nakatayo sa likuran mismo ng gym. Pagpasok pa lang namin ay laking ginhawa ko na sa lamig na dumampi sa aking balat. Hay salamat, airconditioned! Sa loob ng opisina ay malugod naman kaming binati ng mga staff. Nagbayad kami ng 20 php bawat isa para sa registration. May mga leaflets at mga newsletters ang nakahilera sa kanilang shelf at meron din mga retrato ng kanilang mga tourism spots na naka-display sa isang mesa. Nariyan ang Agho Island, ang Pan de Azucar Island, at ang Bolubadiangan Island kung saan matatagpuan ang Sand Bar resort.

Mga leaflets na naka-display at ipinamimigay sa Tourism Office ng Concepcion, Iloilo para sa mga bisita.
                Iniwan muna namin ang aming mga kagamitan sa opisina pero si Glaiza parang ayaw mahiwalay sa tatlong kilong bigas na bitbit bitbit niya hanggang sa palengke kung saan makikita rin ang pier. Doon ay namili kami ng isda at baboy para sa aming hapunan gayundin ng tatlong apat na litrong mineral water. Narinig namin na wala raw doon pangkunan ng maiinom na tubig. Tinahak din namin ang mga kanto para makahanap ng softdrinks at beer. Parang nasa Amazing Race lang kami noong naghahanap kami ng aming mga mapagsasaluhan sa isla. Bumili rin kami ng mga yelo na talaga namang malalaki at mahahaba.
                Bumalik kami sa tourism office upang kunin na ang aming mga gamit at mula roon ay hinatid kami ng isang mabait na staff papuntang pier kung saan naghihintay na ang bangkang maghahatid sa amin sa aming destinasyon.

Ang Maginhawang Biyahe sa Bangka

                Tinatayang tatlumpung minuto ang biyahe sa pump boat mula sa pier papunta ng Sand Bar Resort. Nang nakarating na kami sa kalagitnaan ng malawak na karagatan ay napanganga ako sa aking mga natanaw.Nakakalat ang mga maliliit at malalaking mga isla. Nakakaakit din ang napakaasul at napakalinis na tubig. Habang umaarangkada kami, nilulublob ko ang aking kamay sa tubig upang maramdaman ko ang malamig nitong hampas. Sabik na talaga akong maligo.
    Mula sa malayo ay nakatambad na sa amin ang mahabang linya ng puting buhangin. Iyon na pala ang Sand Bar Resort. Tila kakaiba ito sa ibang mga beach na kadalasan kong pinupuntahan sapagkat ang buhangin ay humihilera sa kalagitnaan ng malawak na karagatan. Tila ba ang paghubog nito ay naka-depende sa kung saan papunta ang direksyon ng hangin. Nang kami’y dumaong ay mabilis kaming bumaba  sa bangka habang tinutulungan kami nina manong sa aming mga kagamitan. Nagpakuha agad kami kay manong ng aming retrato sapagkat tila malaparaiso ang buong paligid.

Sa wakas, pagkatapos ng mahigit tatlumpung minutong biyahe sa bangka ay nakarating din kami ng Sand Bar Island  BeachResort.
Picture picture!!!!
Welcome!!!
    Mula sa daungan ay masisilayan agad ang cottage kung saan nakapaskil ang pangalan ng resort.  Ang Sand Bar Resort ay makikita sa dulo ng Bolubadiangan Island kung saan may mga iilang mga residente ang namamalagi  at namumuhay ng payak. Isa lamang maliit na resort ang Sand Bar kung saan nakapuwesto ang mga matitibay na mga nipa huts na maaaring tulugan sa presyong Php 800 para sa overnight stay. Malalapad ang mga ito at may mga kama rin. Marami ring mga mahahabang mga kawayang upuan na nakaharap sa nakaka-relax na baybayin. May mga puno’t halaman din kung saan maaaring mag-chill sa mga duyang sinisilungan ng mga ito.

Matitibay na mga nipa huts na kung saan maaari mag overnight stay.
Magpakasarap sa view.
Mga cottages kung saan maaaring mag-chill
                Masarap ang lumublob sa malinaw na tubig habang nilalanghap mo ang preskong hangin. Parang iisa lang kayo ng kalikasan sa panahong iyon. Hinintay namin ang nakabibighaning paglubog ng araw at ang ganda naman talagang pagmasdan ito. Nang dumilim na ay dumiretso na kami sa aming kubo upang ihanda namin ang aming hapunan. Pagod lahat sa mga larong hinanda ng kaibigan kong nag-organisa nitong biyahe. Hindi kami nagtagal sa paglangoy sa beach sapagkat mababa pa ang tubig noong takipsilim na iyon at medyo mabato pa ang ilang parte ng baybayin. May natagpuan pa nga kaming starfish eh. Tila naubos na ang baterya ng aming mga kamera sa kaka-picture.

The Best Na Umaga

          Umaga na at ang sikat ng araw ay sapat lang sa pangangailangan ng balat na makatanggap ng Vitamin D. Excited na ang lahat lumangoy. Masarap ang yakap ng simoy ng hanging dumadampi sa katawan. Mataas na ang tubig at tila mga pinong buhangin na lamang ang iyong maaapakan kapag ika’y nakababad na. Kahit na gabi na kami natulog dahil sa inuman at kwentuhan ay ganado kaming sulitin ang huling araw namin sa napakapayapang isla. Pinagmasdan ko ang buong pulo at naramdaman ko kung gaano kaswerte ang ating bayan dahil ipinagkalooban tayo ng Diyos ng mga mayayamang mga baybayin. Nararapat lang na panatilihin ang kalinisan at karikitan ng mga ito.
Talon!!!
Ang linaw nga naman ng tubig.
Parang gusto ko nang tumalon sa tubig!!!
Inenjoy lang namin ang paglangoy kasama ang bawat isa. Hindi na nga namin namalayan na ang bolang plastic na amin pinaglalaruan ay naanod na pala ng alon at hindi na namin ito mahanap. Parang kami ang may ari ng buong isla sapagkat walo lang kaming lumalangoy sa beach. Dahil klaro ang tubig,  paminsan-minsan ay may nakikita  kaming mga maliliit na isda na umaaligid-aligid sa amin.

Ang mga Napuna ko sa ‘Di Malilimutang Trip na Ito

Hindi ko talaga malilimutan ang paglalakbay na ito na pinag-iisa ka sa kalikasan. Mas mabuti nang ganito. Walang matataas na mga gusali. Walang mga bars at restawrant.  Ang makatungtong lang sa lugar na ito ay nakapagbibigay na sa akin ng kapayapaang ‘di matatawaran. Hindi ko malilimutan ‘yung mga duyan, mga nakababaliw na mga photoshoot, mga kwentuhan, ang pagluto ng baboy at isda, at ang paglaro ng 123 stop. Napag-isip ako kung paano namin tinipid ang tubig na maaari naming ipanligo sapagkat nabibili ito ng Php20 per gallon.
Sinundo na kami ng bangkang maghahatid sa amin sa pier ng Concepcion. Natanaw ko ulit ang lawak at ganda ng buong karagatan. Masarap pagmasdan ang buong paligid na walang maruruming usok at mga nagbibilisang mga sasakyan. Ang mga puno ay buhay na buhay at ang tubig ay tila nangungusap na huwag itong dumihan.
Habang nagpapaalam kami sa lugar, nilasap ko ang huling tatlumpung minuto namin sa umaandar na bangka. Alam kong minsan ko lang ito nasasaksihan kung naroon na kami sa kanya-kanya naming mga tirahan.

Paalam Sand Bar Island Beach Resort. Sa uulitin!!!

Contact: Concepcion Municipal Tourism Office
Office of The Mun Mayor- (033) 392-0309
Jim - 0999-771-0086
Ricky- 0928-983-5476

23.11.11

Breaking Dawn Part 1 Film Review

          Finally, I’ve watched Breaking Dawn Part 1 and it totally was the finest of all the Twilight movie installations I’ve ever seen. The flow of the scenes were amusingly engaging, captivating the hearts and minds of the viewers with the unique and mysterious love triangle of Edward, Bela, and Jacob.
            The film’s plot focuses on the marriage of Edward and Bela and the risky pregnancy of the latter. The fast growing infant inside Bela’s uterus saps out her physiological health, weakening her bones and seemingly sucking her blood as well. The wolf pack, on the other hand, wants to kill the Cullen family including the newborn baby of Bela since this is the only way for their bloodline to survive. However, Jacob, being loyal to Bela eversince, won’t allow this to happen and separates from the pack. We see how Bela loses her life for her baby and how Edward desperately wants her other half to survive by injecting her with his venom and biting her on almost every part of her already cold body.
          I really love the movie’s musical scores since it well complemented the mood of each scene, making me connect more to the drama or action being presented.
          The special effects were brilliant most especially during the heart-pounding fighting scenes between the vampires and the wolves. I was taken aback by Belas’ emaciated physical appearance during her pregnancy. It looked absolutely true that it made me think Kirsten Stewart starved herself in real life.
          The cinematography was pleasing to the eyes. It superiorly took every angle in the most creative technique. Some shots were simple yet visually lovely.
          Taylor, Kirsten, and Rob had naturally stretched their acting abilities in this installation because some conflicts required intense, deeper emotions.
          The settings were admirable especially with the frequent views of beaches and lush forests. The place (off coast Brazil) where the main couple spent their honeymoon was really a dreamland. It really reflected how big time Cullens were.
        Though the movie was very “bitin”, it effectively allured me to look forward to the next part. I hope there would be more adrenaline-rushing twists and revelations that will leave us in awe. Director Bill Condon must have sweated out all his creative juices in this romantic yet action-packed movie.

18.11.11

Lovi Poe and Paulo Avelino are the Hottest Abuwaks on Earth

         The horror movie, Aswang, directed by Jerrold Tarog, stars the two of the hottest stars in show business, Lovi Poe and Paulo Avelino. It tells the story about a barangay haunted by man-eating creatures called Abuwaks, the type of aswangs that can abruptly transform into “bayawaks” that crawl underground or into “uwaks” that eerily fly up in the sky, searching for flesh to feed on.
         Lovi Poe is Hasmin who, unknown to the people in the barangay, is one of the most powerful Abuwaks destined to marry Apo, the seemingly invincible leader of their community. Unlike the other Abuwaks, she does not want to hurt or prey on ordinary human beings. Apo has condemned and killed her parents because of this very belief.
         However, Paulo Avelino as Daniel gets into the scene when He, together with fellow assassins, Niña Jose and Marc Abaya, search for the two kids (Albie Casiño and Jillian Ward ) who have escaped in their torturous hands. Out of gas, the kids reach a haunted rural barangay where they are unluckily followed by the notorious syndicates.
        The children, being chased by the killers, will be safe under the guidance of Hasmin and the reluctant killer, Daniel, who falls in love with the former. He would risk everything just to free the beautiful Abuwak from Apo’s captivity.
        The special effects in the film are believeable. The way how Abuwaks turn into their animal versions and how they burst out from the soil seem artistically real. No doubt, the film presents how local cinema can be parallelled to that of hollywood movies in terms of visual tricks.
        The costumes, more particularly the prosthetics applied on the Abuwaks are fine and meticulously done but they do not really scare me. Maybe because I’ve seen such gross images many times already in some movies that they have appeared generic on my eyes.
        The sound effects are satisfactory and appropriate but It do not really make me jump off my seat. What I love though is the cinematography and how it creatively flashbacks past events in the characters’ lives. It also magnificently captures the beauty of the plains and forests. The scene where Paolo Avelino chases Lovi Poe in the woods reminds me of Twilight. The part seems cheesy but it has a cool effect amidst the gloominess happening around the place.
        Antagonist Marc Abaya entertains me with his funny antics. Niña Jose is just one hot killer. Lara Quigaman and Joem Bascon’s characters as Abuwaks integrate the entire story.
        The film is a good watch since it tackles on the cultural belief of Filipinos regarding Aswangs. As children, most of us are totally scared when we are teased on being followed by an aswang as a form of discipline adults applied on us just so we will act properly. Until now, we can hear stories of aswangs living in some secluded barangays that continue to live with humans. We hear that they can turn into cats, dogs, or whatever animal they can disguise themselves into. The film is a good representation of this belief. Nevertheless, it shows the real meaning of peace – that behind the differences between the creatures God created, it is in loving one another that will bring us to ultimate prosperity.