29.5.11

No Movie, Just Food.

         Glaiza and I had a stroll in the mall to catch up on things. I had a couple of responsibilities to accomplish like convert my sister's camera film into cd at Picture City and book my cousin to a Zest Air flight. Good thing Glaiza was there to chat with me as I get these all done. Since we had to wait for an hour for the cd, we decided to just go window shopping.
         As usual, it was painful to see all the stuff that you desire without having moolah to spend. Glaiza and I were already contented appreciating the cool clothes that we notice just by touching the garment as if stroking a genie's lamp. She wanted to have a clothing business in the future and I'd be cool with a restaurant. Well, dreams  can happen, right?
         We were undecided if we would watch a movie or just eat. Before we could make up our minds, we went to look for movies presently shown. The new instalment of the movie Pirates of Caribbean was the best choice. Outside the cinema was a big promotional display for the movie. And so, we just took our pictures with it as the background.



          But then, we just agreed to eat at KFC so that we can have more chika. I ordered the new Chicken Ala King bowl while my friend had a pasta bowl which tasted like carbonara. Eversince, I was really an avid fan of Chicken Ala King meals just like the one at JD bakeshop. It feels like the chicken meat melts inside my mouth.



          After we had filled our stomachs, I thank Glaiza for reminding me about the cd. I had always been forgetful. That's the very trait that I had a hard time correcting.
          Talking to a friend is always relaxing. It gives you energy to fuel whatever goals you have and be assured that no matter what life brings us, friends are always there to back us up and give color to our days.

27.5.11

Si Maryo, ang Chibog Boy

          Kain nang kain si Maryo ng chicharon sa kanilang sala habang nanonood ng Glee. Habang napapakanta siya sa bawat  nakakaaliw na eksena, wala namang tigil ang pagsawsaw niya ng malutong na pagkaing baboy sa suka.
          Pagkatapos ng meryendang yaon, ay dumiretso si Maryo sa kanilang sari-sari store upang tumulong sa kanyang lola at lola sa pagbantay. Kung sa bagay, kahit anong gusto ni Maryo na nguyain ay makukuha niya nang libre. Kung sa tingin niya’y kailangan niyang sidlan ang busog na niyang tiyan, walang keme siyang sumusungkit ng mga nakasabit na mga chichirya. Hindi naman kumpleto ang lalamunin kung walang softdrinks kaya’t kukuha siya ng isa. Pakikiramdaman muna niya ang pinakamalamig sa lahat at iyon ay kanyang bubuksan at ipapadaloy sa uhaw na lalamunan.
          Panahon na ng hapunan. Abot tenga ang saya ni Maryo nang makitang fried chicken ang handa sa hapagkainan. Sabay-sabay silang kumain ng kanyang pamilya. Ayaw nang lolo niya ng balat ng manok dahil baka tumaas daw ang kanyang blood pressure. Ganoon din si lola. Hindi nila kinain ang balat ng manok. Subalit, paborito yaon ni Maryo. Gusto niyang namnamin ang lutong mula sa balat ng fried chicken. Hiningi ni Maryo ang mga ito mula sa kanyang lola at lolo at chinibog ang mga iyon. “Heaven ang feeling”, sambit ni Maryo.
           Kinaumagahan, nagising si Maryo na naninikip ang dibdib. Hindi siya makahinga nang maayos. Kung malalanghap niya lamang ang lahat ng hangin sa kanyang kwarto ay nagawa niya na siguro. Nais niyang sumigaw nang todo pero hindi niya magawa sapagkat hinahabol niya ang kanyang hininga. Sa isang iglap, nanilim ang paningin ni Maryo at narinig ng lola at lolo niya ang malakas na kalabog.
           Nagising si Maryo at una niyang nasilayan ang mga mata ng mga butihing magulang. Sabi ng duktor, mataas daw ang cholesterol levels sa kanyang katawan kaya’t nahihirapang dumaloy ang dugo sa mga ugat nito pati na ang mga ugat sa kanyang puso . Kapag walang dugong dumadaloy sa puso, hindi rin ito makatatanggap ng oxygen na siyang bumubuhay dito. Hindi rin makapag-pump ng dugo ang ating corazon na siyang naghahatid ng sustansiya sa iba pang parte ng katawan.
           Nang umuwi si Maryo sa kanilang bahay, agad siyang nagpahinga at pinaandar ang telebisyon. Nang nasa kalagitnaan na siya sa kapanonood ng glee, ay nagparinig naman ang kanyang tiyan. Mukhang nagugutom na naman siya. Mabilis siyang pumunta sa kusina upang maghanap ng makakain. Binuksan niya ang Tupperware at doon nakita niya ang plastic ng chicharon, mga chichirya, at iba pang mga pagkain na maaasim at matatamis.
           Ngunit bigla siyang napahinto. Sinirhan niya ang Tupperware at pumunta sa refrigerator. Hinablot niya ang isang mansanas at nagtimpla ng mainit na gatas. “Ayokong mamatay ng maaga”, napagtanto ni Maryo sa sarili. “Gusto ko pang maabot ang aking mga pangarap na may malakas na pangangatawan at sa huli, makatulong sa aking mga magulang”.
           ‘Yan si Maryo, ang chibog boy. Pero ngayon, ang kadalasan niya nang chinichibog ay mga prutas at gulay na inaalagaan ng kanyang lolo’t lola sa kanilang bakuran.



10.5.11

Sarap ng Fiesta

Masaya ang mga barangay fiesta. Bakit ka mo?

1. Nakakatawa manood ng mga pageants gaya ng mga bikini open kung saan ang mga contestants ay ang mga mismong mga contestants din na sumali sa karatig barangay. O ang mga gay contests kung saan ang mga nagsisilahok ay umaakyat sa ring ng basketbol court at bubuga ng apoy. Mayroon ding mga contestants na naghihiraman ng mga swim wear o casual wear kaya'y sasakit ang tiyan mo sa katatawa.

2. Minsan, may mga local bands din sa inyong lugar na naiimbitahang  mag-jamming sa inyong barangay. Siyempre, may entrance fee na swak sa bulsa ng mga residente. Sa una, swabe lang ang sawayan, rakrakan,  at inuman dahil may mga lamesa rin na pwedeng ma-reserve  na may kasama ng isang case ng beer at lechon manok.  Pero sa kalagitnaan ng tugtog ng banda sa ilalim ng maliwanag na buwan, bigla na lang may sisigaw ng “awaaaay!!!” at siyempre, magkakagulo na ang mga tao at pati ang vocalists ay matataranta at magsisi-alisan sa stage. Pagkatapos niyon ay darating ang mga tanod na dala-dala ang kanilang batuta at kung kumalma na ang lahat ay tuloy na naman ang jamming.

3. Uso rin ang binyag tuwing pista. ‘Di ko na nga mabilang kung ilang bata na ang naging ninong ako. Siyempre, pupunta ako ng simbahan dala-dala ang pera na ibabayad kapag naimbitahan kang maging ninong o ninang. Magkakaroon ng kaunting lecture sa kahalagahan ng pagiging godparents sa mga bata at kung paano mo gagampanan ang naturang responsibilidad sa mga sanggol hanggang sa paglaki nila. Hindi naman sinabi na kailangan magbigay ng regalo tuwing kaarawan o pasko. At siyempre, paborito kong eksena ang pagbuhos ng tubig sa mga ulo ng sanggol. Lahat sila ay iyak nang iyak pero ang iba naman ay cool lang. Siyempre ang huling parte at ang paborito ko rin ay ang piktyur-piktyur at ang pagpunta sa bahay ng bininyagan para mag-chibog!!!

4. Siyempre, hindi kumpleto ang selebrasyon ng pista kapag walang mga nakabubusog na mga handa. Mechado. Menudo. Estofado. Valenciana. Ispageti. Lumpia. Morcon. Softdrinks. Salad. Tuwing may pupuntahan akong pista, trip kong hindi muna kumain ng agahan o hapunan para pagpunta ko doon ay malalasap ko talaga ang sarap ng mga handa at hindi agad ako mabubusog kahit mga ikalawang beses na akong pabalik-balik sa hapagkainan. Syempre, masmasarap kapag kasama mo ang iyong barkada na pumunta sa mga kakilala upang chumibog. Siguraduhin lang na nakalalakad ka pa pauwi ng iyong bahay.


2.5.11

Nakakabagot na Summer

         Ang init init ngayon dito sa bahay. Ang pawis ko ay walang tigil na dumadaloy sa aking katawan, mula ulo hanggang paa. Parang nilalagay ako sa oven. Wala pa namang sunblock dito sa bahay. Umuusbong ang init mula sa bubong ng bahay na kahit ang hangin na ibinubuga ng electricfan ay tila apoy na pinapakukulo ang iyong katawan. Ang init talaga. Summer na nga. At gusto kong maligo sa beach.
          Nais kong pumunta sa beach at magtampisaw sa malamig na tubig nito. Kaya lang, parang walang time ang mga tao sa bahay na mag-swim. Sabi ko nga, okay na ang maligo sa malapit na pool dito sa amin. Kailan kaya ako magkakaroon ng swak na swak na summer getaway? Sa susunod na taon, ipinapangako ko sa aking sarili na mag-iipon para makasabak naman ako sa isang ‘di malilimutang bakasyon. Sa ngayon, dito lang muna ako sa bahay, kontento na lang sa paglasap ng cheap na halo-halo na ibinebenta sa kanto o di kaya’y palamigin ang sarili sa dirty ice cream na dumadaan sa aming bahay.
          Kaya  ano ang mga kanais-nais na gawin dito sa bahay ngayong tag-init? Siguro, magbabasa na lang ako ng lumang Alice and the Wonderland na libro na nakita ko sa aming kabinet. O di kaya’y manood ng mga drama sa telebisyon tuwing hapon. Nakakatamad ding matulog buong maghapon, hindi ba? O igugol ko na lang kaya ang sarili sa paggawa ng resume? Magtimpla ng sarili kong halo-halo at ice candy kaysa bumili? Maligo nang maligo? Naku, saying ang tubig! Gumawa ng photo album? Kase parang wala na akong pictures na nasa album, puro na lang sa facebook. Hahaha...Hay, boring!!!
            Mag i-imagine na lang nga ako-  nasa Boracay ako ngayon, nakahiga sa ilalim ng coconut tree, nag sa-sunbathing. Pagkatapos ay tatakbo ako papunta sa napakalinaw na tubig. Nasisilayan ko pa nga ang mga makukulay na isada sa aking paligid. Tapos, nag-island hopping ako at nag-snorkeling. Nasa paligid ko na ang mga nakakamanghang mga korales at iba't-ibang klase ng isda. Tapos, may papalapit na pawikan sa akin at sinampal ako. Over sa saket ang sampal ng pawikan. Nagising ako. Hinampas lang pala ako ng unan ng aking inay. Ngek...nariyan lang pala ako sa kwarto at basang-basa dahil sa pawis. Hay naku...may susunod pa namang summer kaya cool lang muna ako dito sa bahay.