Ang init init ngayon dito sa bahay. Ang pawis ko ay walang tigil na dumadaloy sa aking katawan, mula ulo hanggang paa. Parang nilalagay ako sa oven. Wala pa namang sunblock dito sa bahay. Umuusbong ang init mula sa bubong ng bahay na kahit ang hangin na ibinubuga ng electricfan ay tila apoy na pinapakukulo ang iyong katawan. Ang init talaga. Summer na nga. At gusto kong maligo sa beach.
Nais kong pumunta sa beach at magtampisaw sa malamig na tubig nito. Kaya lang, parang walang time ang mga tao sa bahay na mag-swim. Sabi ko nga, okay na ang maligo sa malapit na pool dito sa amin. Kailan kaya ako magkakaroon ng swak na swak na summer getaway? Sa susunod na taon, ipinapangako ko sa aking sarili na mag-iipon para makasabak naman ako sa isang ‘di malilimutang bakasyon. Sa ngayon, dito lang muna ako sa bahay, kontento na lang sa paglasap ng cheap na halo-halo na ibinebenta sa kanto o di kaya’y palamigin ang sarili sa dirty ice cream na dumadaan sa aming bahay.
Kaya ano ang mga kanais-nais na gawin dito sa bahay ngayong tag-init? Siguro, magbabasa na lang ako ng lumang Alice and the Wonderland na libro na nakita ko sa aming kabinet. O di kaya’y manood ng mga drama sa telebisyon tuwing hapon. Nakakatamad ding matulog buong maghapon, hindi ba? O igugol ko na lang kaya ang sarili sa paggawa ng resume? Magtimpla ng sarili kong halo-halo at ice candy kaysa bumili? Maligo nang maligo? Naku, saying ang tubig! Gumawa ng photo album? Kase parang wala na akong pictures na nasa album, puro na lang sa facebook. Hahaha...Hay, boring!!!
Mag i-imagine na lang nga ako- nasa Boracay ako ngayon, nakahiga sa ilalim ng coconut tree, nag sa-sunbathing. Pagkatapos ay tatakbo ako papunta sa napakalinaw na tubig. Nasisilayan ko pa nga ang mga makukulay na isada sa aking paligid. Tapos, nag-island hopping ako at nag-snorkeling. Nasa paligid ko na ang mga nakakamanghang mga korales at iba't-ibang klase ng isda. Tapos, may papalapit na pawikan sa akin at sinampal ako. Over sa saket ang sampal ng pawikan. Nagising ako. Hinampas lang pala ako ng unan ng aking inay. Ngek...nariyan lang pala ako sa kwarto at basang-basa dahil sa pawis. Hay naku...may susunod pa namang summer kaya cool lang muna ako dito sa bahay.

No comments:
Post a Comment