27.5.11

Si Maryo, ang Chibog Boy

          Kain nang kain si Maryo ng chicharon sa kanilang sala habang nanonood ng Glee. Habang napapakanta siya sa bawat  nakakaaliw na eksena, wala namang tigil ang pagsawsaw niya ng malutong na pagkaing baboy sa suka.
          Pagkatapos ng meryendang yaon, ay dumiretso si Maryo sa kanilang sari-sari store upang tumulong sa kanyang lola at lola sa pagbantay. Kung sa bagay, kahit anong gusto ni Maryo na nguyain ay makukuha niya nang libre. Kung sa tingin niya’y kailangan niyang sidlan ang busog na niyang tiyan, walang keme siyang sumusungkit ng mga nakasabit na mga chichirya. Hindi naman kumpleto ang lalamunin kung walang softdrinks kaya’t kukuha siya ng isa. Pakikiramdaman muna niya ang pinakamalamig sa lahat at iyon ay kanyang bubuksan at ipapadaloy sa uhaw na lalamunan.
          Panahon na ng hapunan. Abot tenga ang saya ni Maryo nang makitang fried chicken ang handa sa hapagkainan. Sabay-sabay silang kumain ng kanyang pamilya. Ayaw nang lolo niya ng balat ng manok dahil baka tumaas daw ang kanyang blood pressure. Ganoon din si lola. Hindi nila kinain ang balat ng manok. Subalit, paborito yaon ni Maryo. Gusto niyang namnamin ang lutong mula sa balat ng fried chicken. Hiningi ni Maryo ang mga ito mula sa kanyang lola at lolo at chinibog ang mga iyon. “Heaven ang feeling”, sambit ni Maryo.
           Kinaumagahan, nagising si Maryo na naninikip ang dibdib. Hindi siya makahinga nang maayos. Kung malalanghap niya lamang ang lahat ng hangin sa kanyang kwarto ay nagawa niya na siguro. Nais niyang sumigaw nang todo pero hindi niya magawa sapagkat hinahabol niya ang kanyang hininga. Sa isang iglap, nanilim ang paningin ni Maryo at narinig ng lola at lolo niya ang malakas na kalabog.
           Nagising si Maryo at una niyang nasilayan ang mga mata ng mga butihing magulang. Sabi ng duktor, mataas daw ang cholesterol levels sa kanyang katawan kaya’t nahihirapang dumaloy ang dugo sa mga ugat nito pati na ang mga ugat sa kanyang puso . Kapag walang dugong dumadaloy sa puso, hindi rin ito makatatanggap ng oxygen na siyang bumubuhay dito. Hindi rin makapag-pump ng dugo ang ating corazon na siyang naghahatid ng sustansiya sa iba pang parte ng katawan.
           Nang umuwi si Maryo sa kanilang bahay, agad siyang nagpahinga at pinaandar ang telebisyon. Nang nasa kalagitnaan na siya sa kapanonood ng glee, ay nagparinig naman ang kanyang tiyan. Mukhang nagugutom na naman siya. Mabilis siyang pumunta sa kusina upang maghanap ng makakain. Binuksan niya ang Tupperware at doon nakita niya ang plastic ng chicharon, mga chichirya, at iba pang mga pagkain na maaasim at matatamis.
           Ngunit bigla siyang napahinto. Sinirhan niya ang Tupperware at pumunta sa refrigerator. Hinablot niya ang isang mansanas at nagtimpla ng mainit na gatas. “Ayokong mamatay ng maaga”, napagtanto ni Maryo sa sarili. “Gusto ko pang maabot ang aking mga pangarap na may malakas na pangangatawan at sa huli, makatulong sa aking mga magulang”.
           ‘Yan si Maryo, ang chibog boy. Pero ngayon, ang kadalasan niya nang chinichibog ay mga prutas at gulay na inaalagaan ng kanyang lolo’t lola sa kanilang bakuran.



No comments:

Post a Comment