3.7.11

Polvoron, Si Levin, at Ang Ibong Binabalanse

            Isang araw, tumambay ako sa bahay namin sa city at doon ay chumika ako sa aking pinsan na gumagawa ng matamis at nakakaganang polvoron. Binebenta niya ito ng php 1.25 kada piraso. Marami namang bumibili dahil dinadaanan ang kanyang tindahan ng mga estudyante mula sa malapit na unibersidad. Natatandaan ko pa noong bata ako, bumibili ako ng polvoron at sinisipsip ito mula sa kasama nitong maliit na straw.
           Habang patuloy na naghuhulma ang aking pinsan ng mga bilog na polvoron at binabalot ito sa cellophane, nilalaro ko naman ang kanilang alagang asong si Levin na crossbreed ng shih tzu at Japanese spinx. Napaka-cute naman siyang pagmasadan sa kanyang t-shirt at gusgusing mukha. Parang laruang doggie lang siya na madalas kong matagpuan sa mga toy stores. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga dumaraan na mga tao at mga pumapasadang bisikleta sa eskinita na tila naghahanap ng kalaro.
Si Levin ay naaantok.
Si Levin ay pa-shy effect.
Si Levin ay seductive.
Si Levin ay dedma sa akin.
           Tapos, dahil hindi pa kami close ni Levin kasi parang kumakahol pa siya sa akin sa tuwing nasisilayan niya ako, pumunta na lang ako sa kwarto at pinaglaruan ang parang porselanang ibong naka-display sa shelf. Wala lang, nasasayahan lang akong ilagay ang “beak” nito sa akin daliri na kahit anong gawing galaw ng aking kamay ay hindi pa rin ito nalalaglag.
Ang buhay ay dapat balanse lang.
           Tulad ng ibon na ito, kailangan din natin ng balanse sa buhay- may panahon para sa pagtatrabaho (gaya ng pagtitinda ng polvoron )at may oras din para sa mga kasiyahan sa pang-araw-araw (gaya ng paglalaro kasama ng pet dog mo). Gaya nga ng sabi nila, nakakasama rin ang sobra. Kapag trabaho ka nang trabaho, maaaring magkakasakit ka dahil sa pagod at magtatampo rin ang mga kamag-anak mo dahil parang nawawalan ka na ng oras sa kanila. Kapag sobra naman ang kasiyahan, maaaring makakaligtaan mo rin ang mga importanteng mga responsibilidad sa iyong buhay.
           Sa araw na ito, natutunan ko ang kahalagahan ng “balance” para nang sa ganoon, sakto lang ang enerhiyang ginugugol natin sa lahat ng aspeto ng buhay— mapa-pag-ibig, mapa -pinansyal, o mapa-pamilya man ito.


No comments:

Post a Comment