30.12.11

Movie Review: The Last Song


          If there’s a film that spoke of forgiveness and second chances, “The Last Song” would be one of the top contenders. It was deeply moving that it brought me to tears as the movie was about to finish.
         There were two instances in Veronica “Ronnie” Miller’s (Miley Cyrus) life that made her resolve her conflict with her father Steve Miller (Greg Kinear): One was finding love in the arms of an independent, popular young man named Will (Liam Hemsworth)  and second was her discovery of her father being critically ill. These events made Ronnie to open her heart once more to music, the one thing she and her father passionately shared since she was young. As a kid,  she was a super talented piano player but as her parents divorced, she formed a deep grudge and hurt towards her father, completely forgetting her almost superior gift.
          Similar to the other movie adaptations of Nicholas Sparks’ novels, “The Last Song”, directed by Julie Anne Robinson, was surely heart-warming yet instilled with a tragedy that turned the story into a twist which would meet its dramatic, tear-jerking conclusion. Yes, tears. I guess it is not Nicolas Sparks if you have not experienced shedding some in the film’s duration. Maybe, there was a hint of predictability since one may generalize that the author’s stories are composed of dying major characters.
          I guess Miley Cyrus did a good job in her acting here but I cannot help but get distracted with her pouty lips that she was sporting throughout the film. I don’t know if it was just part of her character’s appearance or if it was just a natural thing. But of course, that didn’t bugged me. She was effective in the portrayal of her role in which I was focused into.
          I think the relationship between the daughter and father could have been highlighted more. Maybe a little bit of flashback on their past happy memories together would do. If I was exposed to their former closeness, I could have been more affected in the later part where the two realized that they only had a limited time left to be with each other. Aside from Miley, the other actors were commendable in their acting.
         The music was actually nice that I even downloaded some of the film’s tracks. The shots were just right– not too complex to blow your head away and not too plain that it would bore you, just perfect for a touching story which would push you too reflect after the credits were shown. And yes, I loved the set-up. There’s the cosy house facing the cool beach, the humungous aquatic zoo, the romantic gazebo surrounded by a grassy lake, and many more.  For those who have rocky relationships with their families or significant others, this film might just be the right wake-up call.

Gutom na Doggie

          Gabi na ako nakaalis sa isang get together kasama ng aking mga kabarkada sa kolehiyo. Pagkatapos naming pinagsaluhan ang manok, back ribs, at tsaka ice cream sa isang mahaba at masayang kwentuhan ay nagsiuwian din kami.
          Malapit nang mag alas onse at wala na ni isang traysikel ang pumapasada. Ayaw namang pakiusapan ng ibang drayber na ihatid ako sa aming bahay dahil iba raw ang kanilang rota. Kaya, heto ako, parang nanglilimos sa isang kanto sa madilim na gabi.
          At ang kasama ko lamang ay ang isang asong tila gutom na gutom. Mabilis niyang hinahalukay ang basurahang wari'y ilulublob niya na ang kanyang buong katawan dito. Buong araw yatang hindi nakakain ang askal na ito. Kawawa naman siya. Saan kaya ang amo niya? Tingnan niyo na lang ang susunod na mga larawan.


          Napaisip ako. Bilang tao, nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw ngunit ang askal na ito, tila nagsusumamong may matatagpuang pagkain na ipanlalaman sa tiyan. Ako nga na hindi madalas nalilipasan ng gutom ay nagrereklamo pa sa mundo kung ba't hindi ang "favorite" ko ang nasa hapag kainan, paano na lang ang ibang mga nilalang na kahit sa paglubog ng araw ay hanap-hanap pa rin ang ipangsisilid sa sikmura?
          Maswerte ako. Dapat ko yan ipagpasalamat. Kung maririnig ko man ang sarili kong nagrereklamo dahil hindi ko paborito ang ulam na nakahanda, dapat ko lang tandaan agad ang mga nagugutom tulad ng askal na ito na halos ilublob na ang sarili sa basurahan para lang maituwid ang gutom.

21.12.11

New Year's Eve Movie

          I have lots of giggles as well as tears as I watched the movie, New Year's Eve, which was directed by Garry Marshall, who was also the man behind the film, Valentine's Day. 
          Akin to the latter, New Year's Eve followed the same formula on how the plot evolved with all its individual characters being interconnected with one another in the film's conclusion. Since it was participated with several actors, the story didn't have the luxury to focus on character development. However, I believe that the film pulled enough effort to add substance to each cast so as not to bore audience with their personalities. What's important was that it delivered effectively its message to the viewers about the meaning of New Year- reconciliation, love, and positivity.  
          I was touched with how Claire Morgan (Hilary Swank) quitted her stressful job as the vice president of the Times Square Alliance, rushing to the hospital to be with his dying father whose wish was to see the ball drop one last time.
          I was also impressed by how delivery man Paul (Zac Efron) granted the wish list of Ahern Records secretary Ingrid (Michelle Pfieffer) who  had just quitted her job after being denied with a vacation by her boss. One of her wishes was to visit Bali, Indonesia. Though seemed impossible, Paul fulfilled it by treating her into a nearby spa with a Bali-like ambience.  Ingrid was so overwhelmed as she experienced each of her goal came into reality before the new year.
          I also loved the part where expectant parents Griffin (Seth Meyers) and Tess (Jessica Biel)  competed with another couple, James (Til Schweiger) and her pregnant wife Grace (Sarah Paulson), for a bonus to be awarded by the hospital for the family of the first child born in new year. Though Tess had the baby out first, Griffin decided to just offer the prize to James and Grace whom he discovered had three kids.  And that’s the spirit of new year – selfless giving!
          Teenagers were also well represented in this movie. Kim’s (Sarah Jessica Parker) teenage daughter Hailey (Abigail Breslin) wanted to spend her new year at the Times Square with her clique and boyfriend Seth (Jake T. Austin). Kim won’t allow this because she was afraid of losing her child after fighting hard to get her custody from her ex-husband. However, this treatment was bottling up Hailey who decided to oppose her mom and went straight to Times Square where she surprisingly spotted Austin being kissed by a girl. Hurt, Hailey turned back and saw her mom whom she tightly hugged  thereafter. This scene was a simple tearjerker.
          All in all, I can say that the movie is inspiring and timely. Christmas and New Year are seasons that remind us to love and forgive - - a time to start anew and value the relationships we share with others. Indeed, the most important gift that we can ever receive aren’t the material things but the joy of letting others feel how much we care for them. This film tells us to put aside all our anger, hurt, and despair, instead, nurture in us the effort to make others happy. And yes, it is never too late. The power to spread our love across the universe is within our hands. Let us not allow our pride to suck out the peace in our hearts. No amount of power, riches, or fame can be paralleled to a peaceful soul and heart. This wonderful message has been effectively delivered and etched by this film towards its audience.

16.12.11

Movie Review: The Art Of Getting By

         Ang mga kabataan, lalung-lalo na yung mga teeneydyer, ay dumadaan sa punto ng buhay kung saan mas nangangailangan sila ng pag-unawa, pag-gabay, at suporta mula sa kanilang mga magulang at sa iba pang mas nakatatanda. Ito na siguro ang kritikal na pinagdadaanan ni George Zinavoy (dinadala ni Freddie Highmore) , ang pangunahing tauhan sa pelikulang “The Art of Getting By”.
          Dahil sa mga problemang kinakaharap ni George, gaya ng kawalan ng atensyon ng ina nito sa kanya at ang pagmamaliit sa kanya ng kanyang ama-amahan, naging mabigat at hindi mabuti ang epekto nito sa kanyang pagkatao. Ito’y naging hadlang sa kanyang pag-aaral at pakikisalamuha sa iba.
          Para kay George, lahat naman daw ng tao ay nabubuhay ng mag-isa at namamatay din ng mag-isa. Tayo raw ay nabubuhay sa isa lamang  ilusyon. Ba’t pa raw siya magtitiyaga at magpapakahirap kung alam niyang lahat tayo ay pareho lang naman ang kahihinatnan? Ito ay ipinahayag ng kanyang karakter sa pagbukas ng naturang pelikula. Dahil sa paniniwala niyang ito, makailang ulit na siyang pinapunta sa opisina ng principal. Ang masaklap pa, sisibakin siya kapag hindi niya naipasa ang lahat ng kanyang mga requirements na lubhang lampas na sa deadline.
          Mapag-isa at malalim mag-isip si George. Mabuti na lang at nakahanap siya ng kaibigan sa katauhan ni Sally Howe (dinadala ni Emma Roberts). Umusbong ito sa komplikadong pagmamahalan na dala rin mismo ng kabataan.  May mga isyung personal din si Sally  na maaaring nagmula sa paghihiwalay niya sa kanyang ama noong musmos pa lamang siya. Siguro’y kanyang pinupuno ang kulang sa kanyang katauhan sa piling ni George.
          Sa sitwasyong kinahaharap ng mga teeneydyer na mga ito, napagtanto ko na kinakailangan ng mga kabataang ito na maimulat sa mga katotohanan sa buhay at tulungan sila kung paano harapin ito. May mga problema o “stressor” na lubos na mabigat sa kanilang kakayahan, datapwat, importante na sila’y pakinggan, pagtuunan ng pansin, at tulungan sila sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kanilang isipan. Dapat din silang tulungan pagyamanin ang kanilang mga talento at huwag maliitin ang kanilang mga mithiin sa buhay, maliit man o malaki.
          Kaparis ni George, ang pagpansin ng kanyang ina sa kakayahan niyang magpinta at ang paglaan nito ng oras sa anak kahit sa simpleng kwentuhan man lang ay siyang naging motibasyon ng bida upang tapusin ang kanyang mga requirements sa paaralan upang siya’y makatapos ng sekondarya.
          Simple lang ang sinematograpiya ng pelikula dahil wala naman itong halong kaartehan. Gayunpaman, makawiwili itong tingnan at nakukuha ng kamera ang mensaheng sinisikap na ipahayag ng kwento. Ang bawat karakter ay may sariling mga isyu. Hindi lamang idiniin lahat ang enerhiya sa bida sapagkat maaantig ka rin sa mga istorya ng iba pang mga tauhan. Natural ang kanilang pag-arte. Ang daloy ng kwento ay payak ngunit tagos sa puso sapagkat naglalarawan ito sa realidad ng buhay lalung-lalo na sa mga kabataan.
          Ang “The Art of Getting By” ay isa na namang nakaka-inspire na pelikulang nag-uudyok sa atin na huwag magpadaig sa mga problema, sa halip, patuloy lang nating mahalin ang ating mga kapwa habang inaabot ang ating mga pangarap.

10.12.11

Old Spice Deodorant

          Sa mga pabangong panlalaki, gusto ko ang amoy na hindi masyadong mabagsik at malakas. Gusto ko ang bangong bagay lang saan mang okasyon ka pumunta.
          Sa deodorant, ganoon din. Nais ko ang bangong "chill" lang pero alam mong tatagal kahit anumang oras kang pagpapawisan.
          Ito ang nahanap ko sa "Old Spice" High Endurance deodorant. Hindi na ako mamomroblema kapag naubusan ako ng perfume o cologne dahil ang amoy nito ay maaari ng mahalintulad sa anumang pabango na type ko - - hindi kalakas pero hindi rin masasabi na ito'y pambabae.
          Sa likod nito, may nakalagay na: Contains Odor-Fighting "Atomic Robots" that "Shoot Lasers" at your "Stench Monsters" and replaces them with fresh, clean, masculine "scent leaves". Astig talaga! Salamat sa tita ko abroad na nagpadala nito. 

By The River Piedra I Sat Down and Wept by Paulo Coelho


          Kung nais mo ng libro na makapagdadala sa iyo sa lugar kung saan ang pananampalataya at ang mga personal na mga pangarap ay tila umuugnay, ang nobelang “By The River Piedra I Sat Down and Wept” ni Paulo Coelho ang masasabi kong swak na maaaring basahin.
          Lahat tayo ay may mga indibidwal na mga suliranin at minsan, ang kalaban natin ay hindi ang ibang tao kundi mismo ang mga sarili natin. Wala tayong lakas na loob na abutin ang ating mga pangarap dahil natatakot tayo sa maaaring mangyari sa atin na wala rin namang kasiguraduhan. At minsan, ang pananampalataya na lang natin sa Maykapal ang siyang tangi nating lakas upang ipagpatuloy ang tila ‘di maabot-abot na mga pangarap. Ito na siguro ang leksyon na nakuha ko sa napakatalinghagang librong ito - - na bawat tao ay ipinagkalooban ng Maykapal ng pangarap at ang pag-abot nito ay hindi ganoon kadali. Maaaring maraming balakid at hirap ang kanyang mararanasan bago makamit ito.
          Makabuluhan ang librong ito lalung-lalo na sa panahon ngayon kung saan tila ang pananampalataya na lamang natin ang ating pinanghahawakan kapag may unos na daraan. Naging angkop ang panahon noong binasa ko ang nobelang ito dahil pista yaon ng Our Lady of Concepcion. Sa libro, ang magsing-irog ay gumunita rin sa kapistahang ito kung saan sila ay lumahok sa isang kakaiba at katangi-tanging espiritwal na karanasan.
          Siguro, marami tayo ang tulad ni Pilar, ang pangunahing tauhan na babae na siya ring nagsasalaysay sa libro. Kagaya niya, may mga inaasam tayo sa buhay na matagal na nating ipinapanalangin ngunit hindi natin makuha-kuha dahil nakatali pa rin tayo sa kung ano ang sa tingin natin na rasonable, praktikal, at hindi katakot-takot. Nang matagpuan niya ang kanyang kababata sa Madrid matapos ang labing-isang taon, naibalik muli sa kanya ang kanyang paniniwala sa Itaas. Natutunan niya ang muling magmahal at mangarap. Nais niyang samahan ang binata sa mga kabanalang ginagawa nang huli gaya ng pagpapagaling ng may sakit.
          O maaari ring pareho tayo sa lalaking sinisinta ni Pilar. Naging kakampi at kaakibay niya ang kanyang pananampalataya sa paghanap ng totoong pinapangarap ng kanyang puso – at iyon ay ang makapiling habambuhay ang dalagang matagal nang tinitibok ng kanyang puso, si Pilar. Ibinalik ng lalaki sa Maykapal ang regalong ipinagkaloob sa kanya, at alam niyang naintindihan ito ng Birheng Maria.
          Sa kwentong ito ni Coelho, naimulat ako sa mundo ng dalawang nagmamahalan na sinikap maabot ang kanilang daing sa langit kahit pa ang pag-aasam nito ang siya ring makapagdudulot ng pagbabago sa kanilang pag-iibigan.
          Simple at direkta ang mga salitang ginamit ni Coelho ngunit sa likod ng kanyang payak na pagsasalaysay ay nakatago ang mga malalalim na mga kahulugan na magpapahinto sa iyo upang makapag-isip-isip. May mga kaganapan na hindi niya agarang ipinresenta upang iwanan ang mambabasa ng kaunting pagninilay-nilay sa maaari pang mangyari. Gayunpaman, tila naisama ka rin ng manunulat sa mga paglalakbay na ginawa ng magkasintahan sa istorya – mula sa mga siyudad sa Espanya papunta sa bundok na tumutungo sa Pranse.
          Sa huli, aking napagtanto na nararapat lamang na isuko ko ang aking mga daing, problema, at mga pangarap sa Diyos at alam ko hindi niya ako pababayaan. Siyempre, patuloy pa rin nating abutin ang ating mga mithiin basta’t alam nating marangal ito at nakapagbibigay ligaya sa atin at sa ibang tao.