Kainis talaga yung mga lamok. Walang pinipili kapag kumagat. Habang nagta-type ako ngayon, walang tigil naman ang pagdapo ng mga walang awang mga lamok sa aking mga paa. Alam mo na kung kinagat ka kapag dama mo na ang pangangati sa lugar kung saan ka nila tinusok.
Ano ba ang gustong-gusto nila sa akin? Hindi naman ako dugong bughaw. Siguro gusto nila yung dugo ko dahil matamis ito. May lahi kaming diabetic kaya siguro animo juice yung pakiramdam nila sa nananalaytay sa aking mga kaugatan.
Kung alam lang ng lamok ang dulot niyang kapahamakan. May narinig akong isang batang dinapuan ng dengue sa aming barangay. Sabi nila, baka nakuha niya ito sa kanilang paaralan. Siguro marami roong mga bagay bagay na sinisidlan ng tubig tuwing umuulan at nagiging tirahan na ito ng mga lamok na dala ay ang nakamamatay na dengue.
Narinig ko, hindi lang pala tuwing hapon sumasalanta ang mga lamok na ito. Kahit gabi raw ay naghahasik sila ng lagim. Kainis! Naaawa tuloy ako sa mga kabataang namamatay na walang kalaban-laban dahil lang sa dengue. Marami ng mga pangarap ang tinapos ng karamdaman na ito.
Kaya naman kailangan na talaga ng bawat barangay ang mag-plano kung paano sugpuin ang nakakapinsalang sakit. Linisin ang kapaligiran lalung-lalo na ang mga nananatiling tubig sa mga gulong, plorera, bote, at iba pa na napupuno tuwing umuulan at napapabayaan na lamang. Magpatingin agad sa doktor kapag pabalik-balik ang lagnat, namumula ang katawan, nananakit ang ulo at tiyan o kapag may kaso ng dengue sa lugar at nararamdaman mong may mga sintomas ka nito. Huwag na nating hintayin pang dumugo ang ating mga kasidlan bago pa tayo pumunta sa ospital.
Maraming mga mumunting pangarap ang masasalba basta't hindi tayo nagpapatalo sa mga nakakainis na mga lamok na ito.

No comments:
Post a Comment