Nakaranas akong malasing nang todo. Pero once lang. Naparami yata ako ng inom dahil nadala ako sa Dinagyang fever. Opo, Dinagyang Festival ang panahon na iyon at maraming mga events katulad ng mga banda ang nagsikalat sa buong Iloilo. Siyempre, sugod ako kung saan ang mga kaberks di ba? Hindi naman pwede kill joy. Minsan lang naman to. Pero, hindi ko talaga inasahang masusuka ako sa dami ng ininom. Hindi na talaga yon mauulit. Tinataga ko sa bato, hindi na talaga. Hindi ko alam kung ano ang pinanggagawa ko.
Pero hindi ako adik sa alcohol. Nagtataka nga ako kung ba't mayroong mga tao na nalululong sa alak at tila nahihirapan silang makaligtas sa tila gayuma na nabibigay nito. Para sa iba, ang pag-inom ay isang paraan upang makalimutan nila ang kanilang mga problema kahit sa kaunting sandali lamang. Sa dahilang alam nilang nagiging mabisa itong lunas sa saglit na panahon, agad silang sasandal sa alak na parang bumibili lang ng over the counter na paracetamol para sa lagnat. Nagugustuhan niya ang epekto na nabibigay ng inumin kaya't paulit-ulit niya itong gagawin na inaakala'y ang problema niya'y biglang mawawala. Kinabukasan, nariyan pa rin ang mga utang sa banko, ang pagbabangayan niya sa girlpren, o ang kalat sa bakuran na dapat noong isang Linggo pa niligpit. Ang mga ito kasama ng matindi at nakakahilong hang-over.
Sa mga taong adik sa beer o whiskey o gin o mix ng lahat, nabasa ko na isa sa mga paraan upang malunasan ang ganitong bisyo ay ang pagsali sa mga organisasyon ng mga tulad din nilang nalululong sa inumin gaya ng Alcoholic Anonymous. Pero gaya ng ibang mga problema, malaki man o maliit, kailangang sa sarili natin manggagaling ang kasabikang mabigyan ng solusyon ang mga masasakit na kinakaharap natin sa buhay.

Hindi man ako isang alcoholic, maaaring heto lang ang mapapayo o opinyon ko sa mga taong lulong sa tagayan:
- Tanggapin sa sarili na ikaw ay lulong sa alcohol at kailangan mo ng tulong.
- Humingi ng gabay o tulong sa mga taong malapit sa iyo. Kung hindi sa pamilya, maaaring may mga kaibigan kang masasandalan upang mailabas ang iyong mga kinikimkim sa dibdib. Pero ang masmakatutulong sa iyo ay ang sarili mo mismo. Hindi palagi na nariyan ang mga mahal natin sa buhay upang alalayan tayo.
- Ano ang mga bagay-bagay o mga pangyayari na nag-uudyok sa iyong uminom? Kapag aware ka sa mga ito at sa iilan pang mga dahilan kung ba’t nahihikayat kang uminom, alam mo na kung ano ang gagawin sa susunod kapag nahaharap ka sa mga naturang pangyayari. Alam mo na ang panahong kung kalian sisigaw ang iyong isipan ng, “ Stop! Ooops! Lalayo muna ako at baka mapa-inom na naman ako”. O di kaya, “Ano naman ba itong iniisip ko? Manonood na lang kaya ako ng paborito kong tv show.”
- Ibaling sa ibang mga bagay ang pag-iinom gaya ng isports, pagluluto, business o sa iba mo pang mga magaganda at masasayang mga hobbies.
- Huwag mag focus sa problema kundi sa “solusyon” ng problema. Kapag sa problema ka nagtutuon, magrereklamo ka na lang nang magrereklamo at ang ending ay mag-iinom ka na lamang upang makalimutan ang mga masasakit na tagpo sa iyong buhay. Kapag sa solusyon ka maglalagay ng pansin, makikita mong marami ka pa lang options para malutas ang iyong mga pinapasan sa balikat.
- Magpunta sa pinagkakatiwalaang duktor. Maaari siyang magbigay ng mga medesina na makatutulong sa iyo na sugpuin ang pagkahumaling sa inumin at maglalahad sa iyo ng iba pang mga mahahalagang tips para malutasan ang alkoholismo.
Ang pagkalulong sa inumin ay tulad din ng iba pang mga adiksyon. Ito ay hindi lang makasisira ng iyong pagkatao pero makapagtitinag din ito ng relasyon mo sa iyong pamilya at sa ibang mga tao. Hindi pa huli ang lahat mga tol! Simula na ng pagbabago.
No comments:
Post a Comment