23.3.13

Oks Na ang Riverside Beach Resort 'Pag may B-day

Hiniwat namin ang ikawalumpu't taong kaarawan ng aking lola sa Riverside Beach Resort sa Trapiche, Oton, Iloilo. Dito sa Oton, matatagpuan ang iilang mga resort na madali lang mapuntahan ng mga tao mula sa lungsod at sa iba pang mga karatig na munisipalidad. Kung nais nilang mag-relax kasama ng malamig na simoy ng hangin at maaliwalas at mapayapang tanawin ng baybayin, marami-rami ng mga beach resorts ang maaaring pagpilian sa lugar alinsunod sa mga serbisyo na gustong matanggap ng mga kustomer.

Magaan sa loob na isiping hindi napapabayaan ang mga baybayin ng Oton. Dahil sa pag-aalaga ng mga residente sa yamang tubig na ito, nagkakaroon ng masagang pagbabago. Maraming nahuhuling mga isda, talaba, pusit, at iba pang pagkaing pandagat na maaaring pagkunan ng pamumuhay. Nagsisitayo rin ang mga seafood restaurants sa lugar kaya't nagkakaroon ng trabaho ang mga tao rito. Basta't napapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran, marami ang maidudulot na positibo nito hindi lamang sa kalikasan ngunit pati na rin sa mga mamamayan nito.

Sa Riverside Beach Resort, bagama't mura ay may mga magaganda at matitibay na mga cottages ito na may iba't-ibang mga sukat - may mga malalaki para sa malaking pamilya na gustong magsalu-salo at may mga maliliit din na silong para sa barkada.

Kung nais niyong mag volleyball, may mga puno ng niyog na maaaring pagsabitan ng net. Sa malaking espasyo sa pagitan ng mga ito ay maaari nang maglaro ng naturang isport. Magaling na ideya rin ang pagpapalipad ng saranggola malapit sa baybayin.

Mahaba-haba din naman ang linya ng buhangin ng baybayin kaya't malayang magtampisaw sa malinis nitong tubig. Huwag lang lumangoy papalayo dahil wala namang life guard ang magmamatyag at magbabantay sa mga lumalangoy bente kwatro oras.

Swak itong puntahan ng mga nagtitipid sapagkat ang presyo ng isang cottage ay nagkakahalaga mula 150 php pataas at maaari pang magdala ng mga pagkain na pagsasalu-saluhan. Sa Oton mismo ay marami ng mga tindahan at mga restwarant na pwedeng pagbilhan ng mga talaba at iba pang pagkaing pandagat kaya't siguradong busog ang tiyan ng lahat.

Kung nais namang magbanlaw pagkatapos ng paglalangoy,  may poso naman na maaaring paliguan. Siyempre, dapat cowboy lang kung nais niyong dito mag-beach sapagkat hindi naman ito tulad ng mga mamahaling mga resort kung saan merong world-class na mga amenities at kung anu-ano pang mga water sports activities. Yung nga lang, hindi masyadong malinis yung mga comfort rooms pero mapagtiya-tiyagaan naman. Saan ka pa sa limang piso na entrance fee, hindi ba?

Kung gusto niyong mag-bonding at mag-chillax sa hindi gaanong ka-bonggang budget, tamang-tama na ang resort na ito. Kung habol lang naman ninyo ay maaliwalas na tanawin, preskong hangin, at malamig at malinis na baybayin, magandang choice na ang Riverside Beach Resort. Enjoy na yun. Maaari pa kayong magpicture-picture sa pang-photoshoot na lokasyong ito.



Hip Vending Machines to Quench Your Thirst

Vending machines are abuzz these days. Why not? You don't have to pay someone to man a store to dispense your products. What the customers have to do is just insert the desired amount of what they want to purchase and voila, a cup of hot coffee or iced tea is on their very hands!

I've been to St. Paul's Hospital Iloilo and found this vending machine that held a variety of drinks one could flexibly choose from. It got iced and hot milo, an iced mocha and a cool cappuccino, an array of cold and hot juices as well as many types of steamy coffee. These will cost you around 10 to 15 pesos wherein you can insert whatever amount of peso coin (except for cents I guess) although it only accepts a 20-peso paper bill.



This particular vending machine is under the management of Innovend Corporation, a fastest growing provider of such thirst-quenching technology in the Philippines. Its catchy tagline is LOVE which means Live Our Vending Experience. 



This is quite a good business opportunity most especially if you place the vending machines on locations where there is huge traffic such as schools, hospitals, offices, and shopping malls. Since people would get thirsty in an unexpected moment, they don't have to look for canteens or shops just to relieve their liquid craving. Passing by a vending machine that caters them with a line of drinks would be the instant solution to their dry throats.

For more information about this awesome vending machines, visit www.innovend.com.ph.